NASA supertyphoon category na ang bagyong Lawin kung pagbabatayan ang pagtala ng foreign weather agencies.
Sa tala ng The Weather Channel sa Amerika, umaabot na sa 220 kilometers per hour (kph) ang lakas ng hangin ng typhoon Lawin (international name Haima).
Ito ay katumbas na ng Category 4 na hurricane dahil nasa pagitan 210kph hanggang 249 kph na kategorya.
Ang pagbugso ng hangin ay nasa 249 kph na.
Kung hindi magbabago ang direksiyon at b
ilis ng bagyo ito ay magla-landfall dakong 3:00 am sa Huwebes (Oktubre 20) sa dulong bahagi ng Cagayan area.
Sa paliwanag ni Bob Henson ng WunderBlog, nagpapaibayo sa paglakas ng bagyo ang mainit na kondisyon na dinaanan nito sa karagatan (sea surface temperatures close to 30°C).
Una na ring nagbigay ng prediksiyon ang Joint Typhoon Warning Center (JTWC) na aabot pa sa supertyphoon Category 5 ang bagyong Lawin na lalakas ng hanggang sa 257 mph.