Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kita ng Powerhouse, ibibigay sa 4 na beneficiaries

Samantala, kahanga-hanga ang adhikain ng 7 Koi Productions Inc., na kinabibilangan nina Joan Alarilla, Rosalinda Ong, Atty. Carmelita Lozada, Lily Chua, Carol Galope, Liza Licup, Emie Domingo, Neth Mostoles, at Divine Lozada-Arellano, dahil ang kikitain ng Powerhouseconcert ay ibibigay sa apat na charities.

Ang apat na charities ay ang Kapisanan ng mga Kababaihan, Senior Citizen, Catholic Women’s League, at Eye Clinic in Kamuning.

Ayon kay Atty. Lozada, secretary ng 7 Koi Productions, hindi naging mahirap sa kanila ang buuin ang proyektong ito na nagsimula lamang noong kaarawan niya.

Idinagdag pa ni Atty. Lozada na posibleng mag-prodyus din sila ng pelikula. ”Roon sa aming articles of incorporation, I make sure na nakalagay doon na to produce shows, concerts, films. Hindi rin namin alam malay mo in the future, makapag-produce rin kami ng pelikula.

“Minsan lang ang magandang negosyo nag-uumpisa lang sa joke. Tulad nito, usapan lang ngayon ito na malapit nang gawin. Ito na, in two weeks time plantsado na.

“Basta ito ang maipa-promise namin, this will not be the first,” sambit pa ni Lozada at sabay sabing baka maging tatlo o apat na beses silang mag-produce ng show sa isang taon.

“Gusto rin kasi naming na mas marami kaming matulungan. Kasi kung mas madalas kaming mag-produce mas marami kaming matutulungan. Kasi sa bawat shows na ipo-produce namin, wewill make sure na mayroong beneficiaries na bibigyan.

“Ang intention namin dito is really to help. Kapag naging successful ito, kung you (the press people) have an organization, it could be one of our beneficiaries,” giit pa ni Lozada.

Sinabi naman ni Mama Lily, treasurer ng grupo, ”Wala silang na-encounter na problema lalo na sa mga kasamahan niya sa production dahil lahat sila ay mababait at nakikipagtulungan. “Lahat kami well organized kaya wala kaming naging problema, Wala ring naging diskusyon,” giit nito at idinagdag na posible ring mag-prodyus sila ng pelikula.

Kaya watch na kayo ng Powerhouse: A Concert of World-Class Pinoy Performers @The Theatre sa Solaire Resort and Casino sa October 28, dahil nag-enjoy na kayo, nakatulong pa kayo.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …