DAVAO CITY – Kinompirma ng Davao City Police Office (DCPO) na ilan sa drug dealers na kanilang sinusubaybayan ay umalis na sa lungsod dahil sa mas mahigpit na kampanya laban sa illegal drugs.
Ayon kay DCPO spokesperson, Senior Insp. Catherine dela Rey, mula nang binisita nila ang mga tirahan ng mga pinaniniwalaan at kompirmadong drug dealers, umalis na sila sa kanilang lugar.
Sinabi ng mga kamag-anak at kapitbahay, hindi na nila nakikita ang nasabing drug personalities.
Batay sa record ng DCPO, sa pagsisimula ng Duterte administration hanggang sa Oktubre 4 nitong taon, nasa 38 suspek ang napatay sa iba’t ibang operasyon, 338 ang nahuli at 9,327 suspek ang sumuko.
Ito ay sa isinagawang 241 buy busts sa loob lamang ng nabanggit na period sa Davao region.