Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Di pagpapaalam ni James kay Bimby, kasalanan ni Kris

KINAKIKITAAN ng maraming inconsistency ang mga pahayag kamakailan ni Kris Aquino sa isang event endorsing her latest product.

Isa kasi sa mga ipinagsisintir ni Kris ay ‘di pagpapaalam ni James Yap ng personal sa anak nilang si Bimby ang tungkol sa pagkakaroon nito ng bagong kapatid, ang noo’y nakatakdang isilang ni Michela Cazzola na anak nila ng basketeer.

Kung matatandaan, bago ang inaasahang petsa ng panganganak ni Michela ay ilang beses nang tinangka ni James na hiramin si Bimby. After all, napagkasunduan naman nina Kris at James sa korte ang visitation rights ng huli.

Ang nagsilbing tulay para makiusap si James na kung maaari’y mahiram niya ang anak ay sa yaya nito. Pero sa ilang beses na pagtatangka ni James ay lagi siyang tablado.

Either paalis daw ang mag-ina para magbakasyon sa labas ng Metro Manila o kasado na ang biyahe palabas ng bansa.

Hindi nga ba’t ganoon na lang ang pagkadesmaya ni James to the point na sumuko na siya, pero nananalangin na darating din daw ang panahon na mauunawaan siya ni Bimby tungkol sa pagkakaroon ng bagong anak?

Kris should know better. Paano nga naman sasabihin ni James kay Bimby ang buong katotohanan kung ipinagkait ni Kris sa kanyang pagkakataong makapag-bonding ang mag-ama? For all we know, balak na ni James na ipagtapat kay Bimby ang katotohanan.

Hay, si Kris talaga, oo!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …