EXCITED sa pagbabalik-Pinas ang 4th Impact, (na binubuo ng magkakapatid na Almira, Celina, Irene, at Mylene Cercado na nagmula sa Santiago, Isabela) dahil kasama sila sa Powerhouse: A Concert of World-Class Pinoy Performers @The Theatre sa Solaire Resort and Casino sa October 28, ang una nilang pagtatanghal na gagawin matapos makipagtunggali sa London.
Anang grupo, medyo nag-grow sila after ng performance nila sa X-Factor, na medyo nag-matured sila in terms of performance.
Natagalan sa London ang 4th Impact pero nangako silang dito sa bansa sila magpa-Pasko dahil gusto nilang makasama ang kanilang pamilya. Next year daw sila babalik ng London.
Anang grupo, may pressure sa kanila ang pagtatanghal sa harap ng Pinoy audience. ”’Pag Filipino audience talagang ang lakas ng pressure dahil maraming magagaling na talent at mas kailangang i-uplift ang performamce. Kasi ang Filipino na audience mahirap i-please. The more na ngumingiti sila at pumapalakpak ibig sabihin nagagawa po namin ‘yung work namin. Alam po ng Filipino kung sino ang magaling na performer at nakaka-challenge ‘yun para sa amin.”
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio