Saturday , November 16 2024

Unity rally, prayer vigil inilunsad ng Kailian marchers sa SC (FEM sa Libingan ng mga Bayani)

101816-imee-marcos-unity-rally
UNITY rally at prayer vigil ang isinagawa ng Kailian marchers na pinangunahan ni Ilocos Gov. Imee Marcos sa harap ng Supreme Court sa Padre Faura St., Ermita, Maynila, habang hinihintay ang desisyon ng Supreme Court, ngayon araw, para sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. (BONG SON)

UNITY rally at prayer vigil ang inilunsad ng Kailian marchers bilang  pagtatapos ng kanilang lakbayan, sa harap Supreme Court (SC) hanggang ilabas ang pinal na desisyon kaugnay sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos (FEM) sa Libingan ng mga Bayani (LNMB).

Hindi magkamayaw ang mga tagasuporta ng dating Pangulo sa pagsigaw ng katagang “Marcos pa rin! Marcos idi, Marcos ita, Marcos latta!” (Marcos noon, Marcos ngayon, Marcos pa rin!) sa pagsisimula ng rali.

Nagpasalamat si Ilocos Norte Governor Imee R. Marcos, panganay na anak ng yumaong dating Pangulo, sa ngalan ng pamilya ang mga sumuporta sa Kailian march.

Aniya, “Nais kong ipahiwatig ang damdamin ng aking pamilya mula sa puso ng aking nanay, si Congresswoman Imelda Romualdez-Marcos, si Apo Ferdinand “BongBong” Marcos, Irene Marcos-Araneta, lahat ng pamilya ko, nagpapasalamat kami sa lahat na nakikiramay, nakikisama, at nakikisigaw dito sa Supreme Court.”

Pinasalamatan din niya ang mga taong nakibahagi at nagtaguyod sa #IlibingNa signature campaign na nakapangalap ng 1.6 milyon lagda, gayondin si Pangulong Rodrigo R. Duterte, na naging vocal sa kanyang pagnanais na mailibing si FEM sa LNMB simula noong presidential campaign period, at nagtungo sa Ilocos Norte para sa paglulunsad ng Kailian March.

Nagsimula ang martsa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng unity masses sa San Agustin Church sa Paoay at St. John the Baptist Parish Church sa Badoc.

Dumating sila sa San Fernando City, La Union dakong 2:30 am kinabukasan, at nagsagawa ng misa saTomb of the Unknown Solder bilang pagbibigay-galang sa mga sundalo ng Second World War na ang mga labi ay hindi pa nakikilala o natatagpuan.

Kabilang sa nasabing mga sundalo Si Mariano R. Marcos, ama ng yumaong pangulo.

Pagdating sa lalawigan ng Pangasinan, marami pang Marcos supporters ang lumahok sa convoy.

Pansamantalang huminto sa bayan Villasis para magsagawa ng misa at candle-lighting ceremony.

Ayon kay Philip Terry, “nandito kami para ipakita ang suporta sa nalalapit na paghihimlay kay President Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani, at bilang pagkilala sa kanyang dakilang kontribuyson sa mga taga- Pangasinan.”

Si Terry ay coordinator ng Bayanihan Bayan Movers Pangasinan Organization of Genuine Inhabitants (BBM-POGI).

Naging mahigpit ang seguridad at military escorts sa kanilang pagdating sa boundary ng Pangasinan at Tarlac, kaya ang grupo ay dumiretso sa Clark, Pampanga, upang iwasan ang Hacienda Luisita, na sinabing may ilang puwersang naghihintay para guluhin ang Kailian marchers.

Ikinansela ang misa sa Pampanga at Bulacan bunsod nang malakas na buhos ng ulan at hangin dulot ng bagyong Karen para sa kaligtasan ng mga residenteng nais dumalo sa nasabing aktibidad.

Dumating ang convoy sa Metro Manila dakong 5:00 pm kahapon.

“Kaunting volunteers lang ang nag-umpisa ng Kailian March hanggang ito’y dumami nang dumami,” ibinahagi ni Mr. Domingo Ambrocio, pangulo ng Philippine Councilors League”Ilocos Norte Chapter.

Ayon kay Neil Joaz Lagundino ng Sirib Ilokano Kabataan Association (SIKA) sa kanyang programa kahapon, “Sa haba ng aming paglalakbay, sana sa pamamagitan ng aming hirap at pagdarasal ay maipagkaloob na ang kapayapaan sa ating bansa.”

Muling binanggit ni Governor Marcos, ang hiling na pagkakaisa ng pro-libing citizens, “Nagmamakaawa tayo sa ating Supreme Court na sana buksan ang kalooban at kaisipan sa katotohanan na ito ay isang pagkakataon upang mapawi ang hidwaan, alitan, at away-away sa ating lipunan.”

“Magkaisa bilang bago at lumang Filipino. Iisa lamang ang ating bansa. Iisa lamang ang ating paninindigan, kasama ang lahat ng mga sundalong nasawi, kasama ang lahat ng mga dating presidente, kasama ang lahat ng mga binigyan ng medalya at honor sa giyera. Ilibing na ang dating presidente Ferdinand Marcos.”

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *