Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryza Cenon, Horny Manananggal

HUGOT horror kung ilarawan ni Direk Perci Intalan ang pelikulang Ang Manananggal sa Unit 23B na idinirehe ng isa sa mga alaga ng kanilangIdea First company, si Prime Cruz at pinagbibidahan ni Ryza Cenon at kasali sa on-going QCinema International Film Festival.

Hugot dahil naiiba ito sa mga nakasanayan na nating napapanood na manananggal movie. Naiiba ang execution ni Direk Prime sa kung paanong mas naging exciting pang panoorin ang kung ilarawan nami’y Horny Manananggal. Kung bakit horny, ‘yun ang dapat ninyong alamin sa panonood nito na kasalukuyang ipinalalabas sa ilang sinehan sa Quezon City tulad ng Gateway Cinema, Robinsons Galleria, TriNoma, at UP Town Center.

Ayon kay Direk Jun Lana, ng Idea First, galing na galing siya kay Ryza.”Ang galing niya! Seksi pa!” anito.

Nagalingan si Direk Jun kay Ryza dahil naniniwala siyang may ilalabas pang galing ang dalaga bukod sa ipinakita sa Mananaggal. ”I’m planning to work with her in another film. Palagay ko ito ‘yung time na magsa-shine siya,” giit ng premyadong director.

Bale anim na pelikula ang ang nai-line produce ng Idea First kabilang ang ilalabas ng Viva na Bakit Lahat Ng Guwapo may Boyfriend; ang kasali sa Tokyo Filmfest na Die Beautiful, at ito ngang Ang Manananggal  kaya naman natanong sina Intalan at Lana kung profitable ba ito at kung may say ba sila sa produktong gawa nila?

“Happy kami. Ngayon, natutuwa kami. Si Mother (Lily), ngayon, Viva ang nagpapagawa ng movie. Ang maganda, ang background namin sa indie, from creative to production, gamay namin. Siguro, nakita nila, efficient naman ang pagpapatakbo namin ng production kaya kahit paano, both of them Regal and Viva, may susunod nang projects na ipinade-develop,” ani Direk Perci.

Sinabi rin nilang sanay na sila sa compromise lalo na’t galing din sila sa commercial films.

Ang Idea First ay mayroong mga stable na directors na exclusive sa kanila, at mga writer na gusto nabibigyan nila ng break.

Sa kabilang banda, sinabi ni Ryza sa interbyu ng PEP na naiyak siya sa ginawa niyang masturbation scene sa Ang Manananggal. Naiyak daw siya dahil kinakabahan siya na kung paano niya gagawin iyon at baka hindi niya raw magawa ng tama.

Iginiit pa ng dalaga na hindi porke’t gumawa siya ng sexy scene ay ‘yun na ang gagawin niya sa mga susunod na project. Ayaw daw niyang makahon sa ganitong role at gusto niyang gumawa ng iba’t ibang klase ng role.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …