Friday , November 15 2024

No window ng MMDA epektibo lahat ng kalye, isama na!

CONGRATULATIONS Metro Manila Authority Development (MMDA).

Bakit? In fairness kasi sa ahensiya, gumanda-ganda ang daloy ng mga sasakyan sa pagsisimula ng pagpapatupad nitong Lunes (Oktubre 17, 2016) ng no window policy para sa number coding.

Kapansin-pansin ang kaluwagan sa mga pangunahing lansangan maging sa secondary streets. Ang Commonwealth Avenue nga sa Quezon City kahit hindi kabilang sa “no window policy” ay napakalaki ng kaluwagan. Ang sarap bumiyahe.

Dati-rati tuwing Lunes, kapag binabaybay natin ang Commonwealth Avenue papuntang Elliptical Road – 7:00 to 8:00am rush hour, Lunes na Lunes ay sira na ang buong linggo dahil sa bumper to bumper ang situwasyon ng mga sasakyan.

Pero kahapon, bunga ng no window policy masasabing marami nang hindi nagdala ng kanilang sasakyan na apektado ng number coding “Monday coding ay mga plakang may ending na 1 at 2.

Marahil batid kasi ng car owners na kahit pili ang mga lansangan na apektado ng bagong polisiya ay magiging useless na rin kung magdadala pa rin sila ng sasakyan. Marami rin palang motorist na masunurin.

Hindi lang Commonwealth ang lumuwag (kahit na paano) kundi maging ang EDSA. Ayon sa ilang kasamahan sa trabahong nagmula Valenzuela papuntang Cubao area sa Quezon City, napakabilis din daw ng biyahe. Treinta minutos lang daw ang biyahe kompara sa dati na dalawang oras. Rush hour din daw iyon.

Siyempre ang resultang ito ay masasabing bunga ng bagong polisya ng MMDA. Bagamat mayroon pang ilang lasangan na apektado ng mabagal na trapiko pero masasabing mabilis na rin ito kompara sa dati na halos hindi gumagalaw ang mga sasakyan.

Uli, congrats MMDA.

Pero ayon naman sa nakararami, mas maganda kung hindi lang daw sa mga pangunahing lansangan ipatupad ang no window policy kundi sa lahat ng lansangan sa Metro Manila – ibig sabihin ay isama na ang mga inner road o secondary road.

Bukod dito, pakilusin rin ng MMDA ang kanilang towing trucks na paghahatakin ang mga sasakyang nakahambalang sa secondary roads – ginagawa kasing garahe ang unang linya ng kalye.

Suhestiyon ng marami, sana huwag lang ngayong paghahanda sa Kapaskuhan ipatupad ang no window policy kundi gawin nang forever.

May punto ang nakararami, upang makarekober ang bansa sa bilyon-bilyong kita na nawawala sa ekonomiya dulot ng problema sa trapiko sa Metro Manila.

Katunayan, para mas lalo pang lumuwag ang mga lansangan, bakit hindi gawin “0 to 4 ending” tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes habang  ”5 to 9″ tuwing Martes, Huwebes at Sabado, ‘di ba?

Ang ganda siguro. Ang luwag siguro ng mga kalsada para bang tinatahak ang expressway.

Anyway, ginagawa ng MMDA ang lahat nang paraan, sinisikap nilang ayusin ang lahat base na rin sa direktiba ng Department of Transportation.

Nariyan iyong isasama na rin daw nila sa paglilinis ang paghatak sa mga sasakyan ng mga customer na mga establisimiyento o restoran na ginagawang parking lot ang lansangan. Hindi lang isang linya ang kanilang nagagamit bilang parking kundi dalawang linya ang nasasakupan. Siyempre, ang resulta nito ay pagsisikip ng trapiko.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *