Saturday , January 4 2025

Gawad Julian Cruz Balmaseda

Ang Gawad Julian Cruz Balmaseda ay pinakamataas na pagkilala na handog ng KWF para sa natatanging tesis at disertasyon sa agham, matematika, agham panlipunan gamit ang wikang Filipino.

Layunin nito na hikayatin at palaganapin, sa pamamagitan ng sistemang mga insentibo, ang mga grant at gawad, ang pagsusulat at publikasyon – sa Filipino at ibang mga wikang Filipinas – ng mga akdang orihinal, kabilang ang mga teksbuk at sangguniang materyales sa iba’t ibang disiplina.

Mga Tuntunin

Ang gawad ay bukas sa lahat maliban sa mga empleado ng KWF at kanilang mga kaanak.

Ang ilalahok na tesis at/o disertasyon ay naipasa sa mga taong 2015 at 2016.

Kinakailangan itong isulat bilang kahingian sa mga kursong may kaugnayan sa agham, matematika,  agham panlipunan at sa iba pang kaugnay sa larang.

Kailangang nasusulat sa Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailathala at hindi rin salin sa ibang wika.

Marapat na gamitin ang KWF Manwal sa Masinop na Pagsulat (MMP) bilang format sa pagsulat ng tababa, talasanggunian, at iba pa.

Ang lahok ay kailangang isumite nang apat (4) na kopyang  makinilyado  o kompiyuterisado (hardcopy) at nakalagay sa isang compac disc (CD). May lakip na curriculum vitae,  pormularyo ng paglahok at rekomendasyon mula sa dalawang (2) propesor. Ang apat (4) na hardcopy, CD, curri-culum vitae, pormularyo ng paglahok at rekomendasyon ay nakalagay sa expanding brown envelope na may pangalan at adres ng kalahok. Ipa-dadala ang mga lahok sa:

Lupon sa Gawad Julian Cruz Balmaseda
2/P Gusaling Watson 1610 Kaklye J.P. Laurel
San Miguel, Maynila 1005

Makatatanggap ng halagang Php 100,000 (net) at isang plake ng pagkilala ang magwawagi ng naturang gawad. Lahat ng kopya ng mga lahok, nanalo man o natalo, ay hindi na ibabalik sa mga kalahok at angkin ng KWF ang unang opsiyon na mailathala ang mga nagwaging lahok nang walang royalti sa may-akda.

Ang huling araw ng pagpapasa ng lahok ay Biyernes, 2 Disyembre 2016.

Maaaring tumawag sa telepono blg. (632) 736-3519.

About hataw tabloid

Check Also

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Chavit Singson e-jeep

Inilunsad na e-jeep ni Manong Chavit pinakamura sa merkado

ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman Luis “Manong Chavit” Singson ang bersiyon …

Chavit Singson e-jeep

Singson inilabas pinakamurang E-Jeep

ni Niño Aclan ISINAPUBLIKO na ni dating Ilocos Sur Governor at businessman  Luis “Chavit” Singson ang bersyon …

BingoPlus car winner FEAT

BingoPlus Day campaign’s lucky jackpot winner claims brand new car

BingoPlus lucky winner from BP Day campaign posing inside his brand-new car. BingoPlus, the country’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *