KUNG tutugon ang mga mambabatas sa panawagan ng mga netizen na isalang siya sa pagdinig, magiging ikalawang beses na ni Rosanna Roces na sisipot sa Senado.
Early 90’s nang imbestigahan ng Mataas na Kamara ang tungkol sa isyu sangkot ang mga so-called Bruneiyuki. Hazel pa ang gamit noon ni Osang who was later screen named Ana Maceda, na inspired sa alitang namumuno sa imbestigasyon na si Senator Ernesto Maceda at ni Annabelle Rama.
Bago kalaunang nakilala at sumikat bilang Rosanna Roces (sa bakuran ng Seiko Films), si Osang—Jennifer Adriano sa totoong buhay—ang nangahas magbunyag ng mga showbiz personality na nagbu-Brunei.
Fast forward tayo sa makabagong panahon. Si Osang din ang naglakas-loob na isiwalat ang umano’y bugawang nagaganap sa loob mismo ng National Penitentiary, herself a self-confessed pimp.
Kapag nagkataon, mabubunyag ang lahat ng itinatagong lihim sa likod ng mga kubol sa piitan.
Pero knowing Osang na pinag-aaralan na ang kanyang mga susunod na hakbang, tiyak na makikiusap siyang maabsuwelto sa kasong human trafficking kapalit ng kanyang malawakang pagbubunyag ng mga alingasngas sangkot ang mga drug lord.
Posibleng humiling siyang isailalim sa Witness Protection Program ng DOJ, and as a consequence nga naman ay magkaroon siya ng immunity sa prosekusyon.
Samantala, nakaantabay ang buong showbiz sa kung sino pa ang mga susunod na malalambat ng mga awtoridad, bukod pa sa pagri-release ng listahan nito na naglalaman ng 50 showbiz personalities.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III