NANAWAGAN ang TV host-actress na si Kris Aquino sa kapwa celebrities na nasasangkot sa ilegal na droga na tumigil na.
Ayon kay Kris, dapat maging tapat sa sarili ang mga celebrity na gumagamit ng drugs at magkusang pumasok sa rehabilitation centers.
Inihalimbawa ng tinaguriang “Queen of all media” ang sistema sa Hollywood na nakarerekober ang celebrities sa drug addiction dahil nagkukusa silang magpa-rehab.
Kung kaya aniya ng mga artista na bumili ng droga, bakit hindi ang pumasok ng rehab.
Pinaalalahanan ni Kris ang kapwa celebrities na kung hindi gustong mamatay ay tigilan na ang paggamit ng illegal drugs.
Tinutukoy ng TV host ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Aniya, malakas ang kanyang loob na sumailalim sa drug testing dahil hindi siya gumamit ng kahit anong uri ng illegal drugs.