Thursday , December 26 2024

MMDA window hours no coding scheme inutil

KAHIT na i-dry run ninyo nang paulit-ulit ‘yang @#$%^&*(()! number coding scheme na ‘yan, pagsasayang lamang ng oras at panahon ang mga damuhong operandi na ‘yan ng MMDA.

Tanggalin o unahin ng MMDA na ubusin o kalusin sa mga national road, highways at iba pang public road ang mga @#$%^&*()! salot sa daan na ‘yan.

Lalo na’t pagsapit ng dilim ang mga jeepney na halos lahat ay bulag ang mga ilaw at headlight sa gabi, at mga reckless pang magmaneho nang kaliwa’t kanan sa mga lansangan.

Dahilan ng wrongful death ng mga inosenteng sibilyan na tumatawid sa mga lansangan sa Metro Manila.

MMDA, ‘yan ang dapat i-hit and run ng dry run ninyo kuno. Effective Monday October 17, 2016. Utak polvoron ang nagpanukala niyan.

Paano po bayan, hindi magkakaroon ng traffic congestion sa araw at gabi sa Metro Manila at sa Calabarzon at sa Luzviminda.

Pakner in crime ang LTFRB, DOT at LTO corrupt officials ang halos mga naiwan dito last year ng rehimen ni Noynoy “Dada” Aquino, katulad ng D.L.T.B. buses na base sa Pagsanjan, Laguna. Ang franchise lamang ay Laguna to Pasay City.

Headline sa mga pahayagan last year 2015, 5 tao sa Masbate ang brutal na sinagasaan ng reckless driver ng D.L.T.B. buses. Out of line o walang prangkisa ang operator ng D.L.T.B. para bumiyahe sa Masbate at iba pang bayan sa Calabarzon hindi Laguna to Pasay City onli. !@#$%^&*() ‘yan mga salot!

After the brutal incident that killed 5 innocent, and poor people in the town of Masbate, ilang buwan lamang ang nakalipas noong 2015, nakaaksidente na naman ang salot sa daan, ang D.L.T.B. buses sa lalawigan ng Quezon. Isama na rin natin ang mga hayup na demonyong driver ng Jam Liner, HM Liner, Greenstar, Calamba Mega Transport, Worthy atbp., na nakabase sa Laguna province.

Balik tayo bayan sa pakulo o replay muli ng MMDA. Ang numero uno na dahilan ng pagkakabuhol-buhol ng too much traffic sa Metro Manila. Ito lang ang tanging solution para kay Afuang: kanselahin ang lahat ng drivers license ng sino mang reckless bus drivers at jeepney drivers na magbaba at magsasakay ng mga pasahero sa gitna ng daan sa Metro Manila at iba pang lugar. Period.

And most of all, sa R.A. 4139, bawal pumasada ang 3-wheelers like tricycle sa mga national road, highway, etc. Ito ang isa sa mga salot sa lansangan sa buong kapuluan, kaya nagkakabuhol-buhol ang trapik at malalang mga aksidente sa mga lansangan.

Are you aware of these, MMDA Chairman?  Lord patawad! Condolence to the Filipino people.

KONTRA SALOT – Abner Afuang

About Abner Afuang

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *