Saturday , November 16 2024

Krista Miller buntis

 

INAMIN ng starlet na si Krista Miller na siya ay buntis nang ilipat ng piitan sa Valenzuela City Jail mula sa Camp Karingal sa Quezon dahil sa kinakaharap na kaso tungkol sa ilegal na droga.

Nitong Biyernes, emosyonal na nagpaalam si Miller sa kapwa celebrity na nakadetine sa Camp Karingal na si Sabrina M.

Ngunit bago dalhin sa Valenzuela City Jail si Miller, isinailalim muna siya sa physical examination sa Quezon City Police District crime laboratory, at dito niya inamin na maglilimang buwan na siyang buntis.

Snabi ni Miller, maayos ang baby sa kanyang sinapupunan.

Bukod sa ipinagbubuntis, may isa pang anak si Miller na anim buwan gulang, na labis niyang nami-miss.

Aniya, ang anak at ang sanggol sa sinapupunan ang mga inspirasyon niya para makapagbagong-buhay.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, nais ng single mom na si Miller na bumalik sa showbiz.

Nakulong si Miller matapos mahuli noong Setyembre 30 sa isang buy-bust operation.

Nahaharap siya sa kasong pagtutulak ng ilegal na droga.

Gaya ni Miller, ang mga anak din ang nasa isip ni Sabrina M., at dahilan sa hangarin niyang pagbabagong buhay.

Nakakulong si Sabrina M. makaraan mahuli ng mga awtoridad sa hiwalay na buy-bust operation.

Nabasahan ng sakdal nitong Huwebes si Sabrina M.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *