LAOAG CITY – Muling pinanindigan ni Presidente Rodrigo Duterte ang desisyon hinggil sa paglilibing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Aniya, bilang abogado ay kailangang sundin niya ang batas.
Ito ang naging reaksiyon ni Pangulong Duterte nang sumaglit siya sa Laoag International Airport kamakalawa makaraan siyang bumisita sa Batanes at nakipagpulong sa mga mayor sa Ilocos Norte pati na kay Gov. Imee Marcos.
Nagsimula kamakalawa ang tinaguriang “Kailian March” ng mga sumusuporta sa paglibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani mula sa bayan ng Paoay.
Magtatapos ang martsa ng Marcos supporters sa Oktubre 18 at pagtatapos din ng status quo ante order na ipinalabas ng Korte Suprema hinggil sa Marcos burial.