Friday , December 27 2024

Bitbit ni Digong na big business delegation makatulong kaya sa ekonomiya?

ILANG kaibigan sa business sector ang nakahuntahan ng inyong lingkod sa coffee shop kamakalawa.

Bago tayo maimbitahan sa kanilang mesa ‘e narinig na nating pinag-uusapan nila ang malaking business delegation sa China trip ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Isa ang nagpahayag ng kanyang labis na pagtataka kung bakit napakalaki ng business delegation na bitbit ni Digong sa China.

Kasama ba sila sa manghihikayat sa malalaking Chinese investors na magnegosyo sa bansa?!

Sabi naman ng isa pa, makabubuti raw sa ekonomiya kung makahahatak ng malalaking Chinese investors na maglalagak ng kanilang salapi sa bansa.

Masarap pakinggan ang sinasabi nila. Isang magandang pangarap.

Wala namang masama roon, libreng-libre ang mangarap.

Sa totoo lang, ang kilala nating malalaking Chinese investor sa bansa ay si Mr. Henry Sy & Mr, Gokongwei na kinikilala ng Forbes.

Maliban sa dalawa, karamihan ng mga Chinese na nagpupunta sa bansa ay hindi malalaking negosyante kundi ‘yung mga retailer sa Divosoria, shabu chemist at mga junket sa Casino.

Wala tayong nakikitang Chinese investor na nangangakong tutulong na patatagin ang industrialisasyon sa ating bansa.

At bakit nila gagawin iyon, gayong ang mura ng labor force sa China.

Dito sa bansa, nanatili ang labor unrest dahil hindi sapat ang kinikita ng isang manggagawa kahit naaayon pa sa batas ang pasuweldo.

Mahal ang elektrisidad na labis na nagpapahirap hindi lang sa mga investor kundi maging sa local businessman.

Sana lang ay walang hidden agenda o vested interest ang ilang businessmen na sumama sa biyahe ng Pangulo.

Mukhang ang tingin natin, it’s the other way around.

Hindi kaya sila ang naghahanap ng oportunidad na makapagnegosyo sa China?!

Tanong lang naman ‘yan…

Pero wish talaga natin, sana hindi nga ganyan ang layunin nila.

Bon voyage!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *