ANGEL’S angle! Kompara sa katauhan niyang si Andi sa The Third Party na lukaret magmahal, baliw din naman daw siya sa tunay na buhay pagdating sa pag-ibig pero magkaiba sila ng level.
“Si Andi kaso todo! Pero sa totoo lang masarap magmahal at ma-in love. Iba pa rin ‘yung kilig na ibinibigay ng may inaalagaan ka and vice-versa.
“‘Pag nagmahal ka kasi, ‘di mo na makikita ang imperfections, ang gender, size kulay, status, at anupaman. In my role as Andi may natututuhan siya sa pagmamahal niya pero nakaiinis kasi ang bait at mahal siya ng taong mahal niya sa karakter of Zanjoe Marudo. At grabe ang chemistry nila ni Sam Milby dito. Mai-insecure ako talaga. Very confident sa ginagawa nila. Action agad. Kaya masaya ang pelikula.”
Kung sakali raw ba na mangyari sa kanya in real life na matuklasan niyang gay pala ang karelasyon niya, paano niya ito iha-handle?
“Kung gay pala? Eh, wala! Ano gagawin ko?Kung mahal ko talaga wala na akong choice kundi maging masaya na lang. I don’t think kahit isiksik ko ang sarili ko eh, tatanggapin ako. Pero kahit friendship na lang ang ma-save as long as wala namang bastusang nangyari matatanggap ko na rin.”
Nasabi niya na sa isang nagdaang relasyon eh, may partisipasyon ang isang third party.
“Nanahimik na lang ako. Ano pa ang gagawin ko? Eh ‘am a fan of love! Kaya ‘pag may naghiwalay nalulungkot ako. Brangelina!”
At dahil sa mga ipino-post niya sa kanyang Instagram account nagkakaroon ng sariling interpretasyon ang mga tao sa kahulugan ng mga ito lalo at patungkol sa mga nalalagay sa sitwasyon ng pagiging third party.
“Anything goes lang naman sa akin ‘yun. May mga post ako sa
‘Third Party’ in connection with the promo of our movie na showing na on October 12. Parang ano ang gagawin mo kung love mo nga pero taken na pala. At sa kaso ni Andi my character sa movie siya ang naging third party noong naging sila na. Kayabit depends. It’s a good story na iba naman ang paraan ng pagpapakita sa third party sa isang relasyon.”
And as far as Angel is concerned, welcome naman ang panibagong pag-ibig sa kanya.
HARDTALK – Pilar Mateo