SIYAM na mountaineers ang hinahanap ng mga awtoridad sa lalawigan ng Aurora, ilang oras bago ang landfall ng bagyong Karen.
Ayon kay Mayor Sherwin Taay, umakyat ang biktima sa Mt. Mingan na sakop ng bayan ng Dingalan, sa kabila nang pagbabawal sa kanila ng mga opisyal sa lugar.
Sa ngayon, hindi pa makontak ang mga biktima kaya sinisikap ng pamahalaan na i-coordinate ito sa mga residente ng bahaging dinaanan ng naturang grupo.
Muling pinayuhan ng local disaster management office ang mga mamamayan na iwasan ang pag-akyat sa bundok, burol at maging ang paglalayag sa dagat at ilog sa panahong may nagbabantang sama ng panahon.