Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic, gusto nang magka-anak kay Pauleen

HINDI raw nagpapa-pressure sina Vic Sotto at Pauleen Luna na magkaanak na pero aminado silang gusto na nilang magkaroon ng anak.

Ang pag-aming ito ay naganap mula sa interbyu kay Vic sa press launch ng bago niyang endorsement na Chooks To Go na ginanap sa Shangri-La Hotel kamakailan.

Ani Vic, pareho sila ni Pauleen na mahilig mag-out of town o mag-abroad dahil isa raw iyon sa paraan ng kanilang bonding.

“Ayaw naming puro trabaho lang, eh. Parang pang-therapy din, pang-alis ng stress,” sambit pa ng actor.

Samantala, kasama ni Vic sa launching ng bago niyang endorsement ang asawang si Pauleen at ang kapatid na si Maru. At napag-alaman naming si Pauleen ang nag-ayos ng endorsement ni Vic. At ito rin daw ang nakipagnegosasyon sa pirmahan ng kontrata at press launch.

101516-vic-sotto-chooks

Pero nilinaw ni Vic na hindi si Pauleen ang manager niya. Naroon lamang daw ito para suportahan siya. Super saya raw kasi ni Pauleen nang maging brand ambassador siya ng nasabing roasted chicken.

Masaya rin si Vic na naging parte ng Bounty Agro Ventured Inc., ang kompanya sa likod ng roasted chicken chain sa Pilipinas.

“When you bring home food to replace home cooked meals, it has to be something really special for the family. Importante ‘yun, kasi the family always expects na hindi basta-basta lang ang uwi mong ulam… Chooks-to-Go is the number one choice,” ani Vic.

“The truth is, I was introduced to Chooks-to-Go by my wife… There was this one time sa ‘Eat Bulaga’, tapos may dala siyang oven-roasted na manok. Pinatikim niya sa ‘min. ‘Yun ang unang encounter ko,” dagdag kuwento pa ni Bossing Vic.

Ani Vic, regular viand na sa kanilang tahanan ang Chooks-to-Go dahil favorite nga raw nila ito ni Pauleen. “Kapag nag-go-grocery si misis, hindi maaari na hindi magte-take home kasi papasok pa lang siya sa grocery, maaamoy na niya ‘yan. Totoo ‘yan,” giit pa ng actor/host ng Eat Bulaga.

Sinabi naman ni Ronald Ricaforte Mascarinas, BAVI president, “We are excited to have Vic as our endorser because he really believes in the products he promotes. With Chooks-to-Go and Bossing together, we have a great opportunity to support hardworking moms with a go-to-take-home ulam of choice that’s affordable, healthy and delicious.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …