Sunday , November 24 2024

PNP awardee, 1 pang police official nadakip sa hot pursuit (Sa pamamaslang sa chairwoman ng Citizen Crime Watch (CCW)

HINDI natin makita ang lohika sa kasong ito.

Nadakip ang mga suspek na pareho pang police official at awardee pa ‘yung isa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung ano ang motibo sa pamamaslang!?

Sinampahan ng kasong murder ang mga suspek na sina Insp. Markson Almerañez, chief of police ng bayan ng Socorro; at S/Insp. Magdaleno Pimentel ng 1st Maneuver Platoon ng Provincial Police Safety Commander (PPSC).

Si Almerañez, ay isa sa mga binigyan ng award ni PNP chief, DG Ronaldo “Bato” dela Rosa kamakailan.

Nitong nakaraang Oktubre 10, dakong 11:40 bago maghatinggabi ay tinambangan ang chairwoman ng Citizen Crime Watch (CCW) na si Zenaida Montejo Luz, 51 anyos, sa Barangay Maligaya, Gloria, Oriental Mindoro.

Tinadtad ng bala ang babae hanggang mamatay.

Grabe ang operasyon ng dalawang police official. Riding in tandem sila at ginawa ang lahat para baguhin ang kanilang hitsura.

Walang plaka ang ginamit nilang motorsiklong Enduro. Nagsuot ng mahabang wig ang isa sa mga suspek para umano magmukhang babae at naka-bonet naman ang isa.

Pero nagkaroon ng hot pursuit at nakipagpalitan ng putok ang mga suspek laban sa mga nagrespondeng Gloria police.

Sa madaling sabi, sugatan ang dalawang suspek kaya nadakip ng mga nagrespondeng pulis.

Nakakulong na sila ngayon at ‘yun nga, kinasuhan na ng murder sa Pinamalayan Prosecutor’s Office.

Ang nagsampa ng kaso ay sina C/Insp. Ruel Lito Fronda, chief of police ng Gloria PNP.

Ayon mismo kay S/Supt. Chris Birung, blanko pa sila sa kaso.

At ‘yun ang ipinagtataka natin, paano nasampahan ng kasong murder kung hindi alam ang motibo?!

Wattafak!?

Paanong magpo-prosper ang kaso kung hindi man lang naimbestigahan ang dalawang suspek?!

Hindi man lang ba nakausap ng mga imbestigador ang  kaanak ng biktima? Ang mga kasama ng biktima sa CCW?

May nasagasaan ba ang biktima bilang CCW chairwoman at naging rason kung bakit sila tinambangan?

Pakiklaro nga maigi Kernel Birung at masyado tayong nahihiwagaan sa kasong ito.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *