Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 kelot tiklo sa sextortion

ARESTADO sa Las Piñas City ang dalawang lalaking nangingikil ng pera at nais makatalik ang mga biktimang babae kapalit nang hindi pagpapakalat sa internet ng kanilang hubad na larawan.

Ayon sa ulat ng pulisya, hindi nakapalag sina Jose Carlo Fajardo Estraza, 30, at John Paulo Suarez, 32, nang arestuhin kamakalawa ng Cavite Criminal Investigation and Detection Group sa ikinasang operasyon sa Brgy. Pilar sa Las Piñas.

Ayon sa Cavite-CIDG, modus ng dalawang suspek na magpanggap na babae sa social media at magpo-post ng mensahe na kailangan nila ng mga modelong babae.

Kapag may kumagat na biktima sa kanilang pain, aalukin nila kunwari ng P10,000 bayad kada photo shoot. Ngunit hihingi sila ng kondisyon na dapat magpadala muna ng nude photos ang biktima para sa gagawing screening.

Sa sandaling makuha nila ang mga hubad na larawan ng biktima, ito na gagamiting panakot ng mga suspek na ikakalat nila sa internet kapag hindi pumayag sa gusto nilang mangyari tulad ng pagbibigay ng pera at pakikipagsiping.

Hindi itinanggi ni Suarez ang bintang ngunit sinabing sinubukan lang niya.

Nang suriin ng mga awtoridad ang gadgets ng mga suspek, nakita ang iba pang larawan ng mga nakahubad na babae na posibleng naging biktima ng dalawa.

Hinikayat ng pulisya ang iba pang posibleng nabiktima ng mga suspek na magtungo sa Cavite-CIDG para maisampa ang kaukulang kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …