Monday , December 23 2024

Utos ni Duterte kay Lorenzana: No more US-PH exercises next year

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte si Defense Sec. Delfin Lorenzana, huwag nang gumawa ng ano mang paghahanda para sa joint military exercises ng Filipinas at Amerika para sa susunod na taon.

Sinabi ni Pangulong Duterte, nais niyang tuluyan nang tuldukan ang military exercises ng dalawang bansa ngunit hindi aniya ito nangangahulugang pinuputol na ang alyansa ng Filipinas sa Estados Unidos.

Ayon sa kay Pangulong Duterte,  ito ay dahil hindi madaling ibasura ang ano mang treaty na nilagdaan ng Filipinas.

Ngunit iginiit ng Pangulo, hindi kailangan ang tulong ng US, maging Russia o China sakaling magkaroon ng giyera lalo kapag sumabog na ang mga bomba.

Sa ngayon, binabalangkas na niya ang isang independent foreign policy para matigil na ang pagdepende ng bansa sa foreign assistance at sa dikta ng iba gaya ng US.

“It is the invention of the press and the people there, up there. Ngayon, people judge best when they condemn. Ganon ‘yan. Especially if they are for condemnation, they are good at it. Well, I said I am thankful because I insist that we’re re-aligned. That there will be no more exercises next year. Do not prepare, I told Defense Secretary Lorenzana. Do not make preparations for next year’s…I do not want it anymore and I will chart an independent foreign policy. We will not break our alliances—the US–RP, but we need not really, you know, break or abrogate existing treaties because they say that it could provide us with the umbrella,” ayon kay Pangulong Duterte.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *