Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, special ang triple nominations nilang mag-iina sa Star Awards

PUNONG-PUNO ng kagalakan ang award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez sa ibinigay na pagpapahalaga ng Philippine Movie Press Club dahil nominado silang tatlo nina Arjo at Ria Atayde sa 30th Star Awards For Television. Ang award’s night ay gaganapin sa October 23, 2016 sa Monet Grand Ballroom, Novotel Hotel.

“Masaya ako Nonie, sobrang saya lalo na kapag nakikita ko ang mga anak ko na masaya. Hindi ko sukat akalain na mangyayari ito, alam ko na puwedeng ma-nominate ang mga anak ko isang araw kasi marurunong naman silang umarte, pero ang ma-nominate kaming pare-pareho at sabay-sabay ay hindi ko naman inasahan ito.  Pero nangyari, iba talaga kapag pinaubaya mo sa Diyos ang lahat. Aayusin Niya lahat para sa iyo, tiwala lang talaga at kapit sa Kanya.

“I’m grateful and honored sa tiwalang ibinigay sa aming mag-iina ng PMPC. Salamat talaga,” masayang saad sa amin ni Ms. Sylvia.

Masasabi ba niyang extra special ito dahil parang first time na nangyari na tatlong mag-iina ay nomina-ted nang sabay-sabay sa isang award’s night?

“Napaka special nito para sa akin kasi tatlo kaming sabay na na-nominate, Matalo man o manalo ay okay lang, ang importante minsan sa tanang buhay ko may nangyaring na-nominate kaming sabay-sabay na mag-iina at bihirang mangyari iyan. At maikukuwento ko ‘yon sa mga apo ko, ang ma-nominate kami, mapansin ang trabaho namin, malaking bagay na ‘yon. Kung sakaling manalo ka, bonus na iyon,” esplika ng bida sa seryeng The Greatest Love.

Dagdag pa ng batikang aktres. “May kanya-kanya silang estilo ng pag arte, alam kong innate sa kanila ang pag arte, at mahal nila ang craft nila at seryoso sila pareho, andito lang ako para i-guide sila but at the end of the day ‘pag sumigaw ang director ng ‘action’ sila na yan, puso at utak na nila ang susundin nila dyan, out na ako dyan.”

Si Ms. Sylvia ay nominadong Best Drama Supporting Actress para sa Ningning ng ABS-CBN. Kasama niyang nominess sina Carmina Villaroel (Doble Kara, ABS-CBN), Cherie Gil (Dolce Amore, ABS-CBN), Manilyn Reynes (Destiny Rose, GMA 7), Snooky Serna (My Faithful Husband, GMA 7), Sunshine Cruz (Dolce Amore, ABS-CBN), Sunshine Dizon (Little Nanay, ABS-CBN), at Ms. Susan Roces (FPJ’s Ang Probinsyano, ABS-CBN).

Nominado naman si Ria para sa kategoryang Best New Female TV Personality para sa Maalaala Mo Kaya sa episode na Puno Ng Mangga. Si Arjo ay nominated sa Best Drama Supporting Actor para FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …