Saturday , November 16 2024

Lisensiya ng tindahan ng paputok babawiin (Sa Bocaue, Bulacan)

SINIMULAN na ng PNP Explosives Office (FEO) ang proseso para sa kanselasyon ng lisensiya ng Gina Gonzales Merchandise, ang tindahan ng paputok na sumabog at nasunog sa Bocaue, Bulacan kahapon na ikinamatay ng dalawang indibidwal kabilang ang may-ari.

Ayon kay PNP FEO director, Chief Supt. Cesar Binag, pangunahing magiging basehan nang pagkansela ng lisensiya ang resulta ng imbestigasyon.

Sinabi ni Binag, bukod sa Gina Merchandise, sumasailalim na rin sa revocation process ang lisensiya ng dalawang katabing tindahan, ang Libery Pyrotechnic at Woody Len Pyrotechnic.

Dahil patay na ang may-ari ng tindahan, wala na aniyang pagkakataon na mapanagot sa kasong kriminal at tanging civil case lamang ang maisasampa ng mga biktima.

Para hindi na maulit ang trahedya, pinag-aaralan ng PNP FEO ang pagmungkahi sa Kongreso na amyemdahan ang Republic Act 7183 o ang firecrakers and pyrotechnic law.

Sa ngayon, walang malinaw na distansiya na itinatakda ang batas kung gaano dapat kalayo ang tindahan ng paputok sa residential areas.

Aniya, masyadong magaan ang parusa na itinatakda gaya nang hanggang isang taon pagkakakulong at P20,000 hanggang sa P30,000 multa.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *