Sunday , November 24 2024

Lawmaker law breaker?!

NOON pa man ay malaking kuwestiyon na kung paanong ang isang marketer’s association gaya ng Liquefied Petroleum Gas Marketer’s Association (LPGMA) ay pinayagan ng Commission on Elections (Comelec) na noon ay pinamumunuan ni Sixtong ‘este Sixto Brillantes para maging isang party-list.

Kailan pa naging marginalized sector ang mga nagtitinda ng LPG na sandamakmak ang kinikita sa nasabing produktong petrolyo?!

Lalo na nang maaprubahan ang clean air act at nagoyong magpa-convert ang malalaking taxi company para gawing LPG ang kanilang fuel.

Sabi nila mas malinis at mas mura raw ito kaysa gasoline o diesel.

Pero maraming taxi driver ang nagkasakit, natuyot at namatay dahil LPG ang fuel ng taksing kanilang ipinapasada?

Nang marami na ang gumagamit, nahatak pati ang presyo ng LPG na ginagamit sa pagluluto. Hindi ba’t dumating ang panahon na ang LPG ay halos umabot P1,000 ang 11 kilo?!

Ang ibig nating sabihin, noon pa man ay may bahid na ng eskemang mapanlansi ang ilan sa mga nagpasimuno sa nasabing grupo o party-list.

Ibig sabihin mayroon silang ulterior motive para sa interes ng mga sariling bulsa nila at nakapaglunoy pa sa pork barrel funds nang maging party-list.

Kaya naman hindi na tayo nagtaka nang mabasa natin sa balita na ang kanilang kinatawan na si Arnel Ty ay nahatulang guilty sa paglabag sa Section 3 at Section 4 ng Batas Pambansa Bilang 33 o “An Act Defining and Certain Prohibited Acts Inimical to the Public Interests and National Security Involving Petroleum and/or Petroleum Products.”

Sa 16-pahinang desisyon na inilabas ng Department of Justice, naka-kita ang Malabon Regional Trial Court nang sapat na ebidensiya laban kay Ty hinggil sa “shortselling and adulteration” ng produktong pet-rolyo.

Inireklamo kasi si Ty, nagmamay-ari ng Republic Gas Corp (Regasco), ng ilegal na pagre-refill ng LPG tanks ng mga higanteng kompanya kagaya ng Pilipinas Shell Petroleum, Petron at Total Gas.

Wattafak!?

Hindi nakombinsi ni Ty ang korte na ang mga walang laman na branded LPG tanks na nakuha mula sa warehouse ay bahagi ng kanilang marketing strategy.

“It is highly doubtful that the volume of the confiscated filled branded LPG cylinders constitutes the number of converted clients… No consumer in his right mind would trade off a newly-purchased or filled LPG gas cylinder for another brand which is being offered for a lesser price,” malinaw na saad sa desisyon.

Pero alam ba ninyo kung ano ang parusa sa paglabag ni Ty?

Pinagmumulta lang si Ty ng P50,000 kaakibat ang subsidiary imprisonment kung bigo siyang makabayad ng naturang halaga.

Ipinakakansela rin ang “license to operate” ng Regasco, at ipinakokompiska ang mga produktong petrolyo na nakuha mula sa kanyang warehouse.

‘Yun lang ba?

Sa ganang atin, dapat mai-lifestyle check ang LPGMA representative.

Dapat busisiin ang kanyang SAL-N mula nang maupo siya bilang party-list representative hanggang sa kanyang kasalukuyang estado.

Sabi nga ng mga mahigpit na sumubaybay sa kasong ito — si Ty ay perfect example ng isang lawmaker pero numero unong lawbreaker…

Ano kaya ang masasabi ng mga nauto ni Mr. Ty para suportahan ang LPGMA?

Wanna break a leg, Mr. Ty?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *