NAKATIKIM ng sermon si Sen. Sherwin “Win” Gatchalian sa mga mahistrado ng Sandiganbayan fourth division dahil sa pag-pressure sa korte na agad resolbahin ang kanyang travel motion sa biyaheng abroad patungong China.
Sa last-minute motion ni Gatchalian na inihain kamakalawa, hiling niyang makabiyahe siya patungong China sa Sabado bilang kasama sa Philippine delegation ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na nag-file siya ng kanyang mosyon kamakalawa, isang araw bago ang pagdinig nito kahapon ng umaga.
Paliwanag ng senador, nitong araw ng Lunes lamang siya nasabihan o nakatangap ng verbal invitation mula sa Senate president.
Iginiit ni Associate Justice Alex Quiroz, hindi nila bibigyan ng special treatment ang newbie senator, ano man ang posisyon niya sa pamahalaan.
Dapat aniyang sundin ng senador ang proseso lalo na’t may nakabinbin siyang kaso sa Sandiganbayan.
Sa panig ng senador, sinabi niyang inirerespeto niya ang korte ano man ang maging desisyon.