Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derek, bumalik ang excitement sa paggawa ng movie dahil kay Lovi

PURING-PURI ni Derek Ramsay ang kaseksihan ni Lovi Poe. Kaya naman aminado itong noon pa niya gustong makatrabaho ang aktres.

Ani Derek, bumalik ang excitement niya sa paggawa ng pelikula dahil kay Lovi. ”Because I love the way she looks, I love ‘yung kulay ng skin niya. Yes, I’m going to have a leading lady na kakulay ko ng kaunti,” anang actor.

Sambit pa ni Derek, walang ka-effort-effort si Lovi na maging sexy.

Dahil sa mga sinabing ito ni Derek, hindi kataka-taka na talagang naglalagablab sa init ang bawat pagniniig nila ni Lovi sa pelikulang The Escort mula sa Regal Entertainment Inc., na idinirehe ni Enzo Williamsat mapapanood na sa Nobyembre 2.

Unang pagsasama nina Derek at Lovi ang The Escort na ayon kay Mother Lily Monteverde, posibleng masundan pa.

Wala raw pakialam sina Derek at Lovi na nagromansahan sa kama, swimming pool, at iba’t ibang lugar para mairaos ang pagnanasa sa isa’t isa. Kaya naman hindi kataka-taka na bumigay ang dalawa.

Sa trailer pa nga lang ng pelikula, maiinit na love scenes and kissing scenes na ang makikita eh what more pa sa pelikula.

Kaya watch na kayo ng The Escort sa Nov. 2 para makita ninyo kung ano ang tinutukoy namin.

Kasama rin sa The Escort si Christopher de Leon gayundin sina Jean Garcia, Rommel Padilla, Jackie Lou Blanco, Dimples Romana, at Albie Casino.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …