Saturday , November 23 2024

Reaction sa amnesty sa political prisoners

MR. YAP, hindi po ba kalabisan naman ang pagpapalaya sa 400 political prisoners na halos lahat ay miyembro ng rebeldeng CPP-NPA-NDF?

Nakalulungkot isipin dahil karamihan sa kanila ay may kasong murder na ang mga biktima ay hindi lang tropa ng gobyerno kundi mga walang kalaban-laban na sibilyan. Ang sabi ng human rights group na Karapatan sa patuloy na pag-usad ng peace talks ay pinapaalalahanan ang gobyerno na sundin ang nakapaloob sa Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o CARHRIHL na pagpapalaya sa mga political prisoners. Kung nais bigyan ng hustisya ng NPA ang kanilang miyembro na nagkasala sa batas sa pamamagitan ng amnestiya ay tiyak na pagkadesmaya naman at kawalan ng katarungan sa mga naging biktima ng landmine, ambush, pangingikil at pag-recruit at paggamit sa mga kabataan ng NPA bilang human shield na hanggang ngayon ay patuloy pa rin nilang ginagawa sa kabila ng pagkakaroon ng ceasefire sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.

Majority ng mga Pilipino ay pabor sa peace talk, sino nga ba ang aayaw ng mapayapang bansa? Ngunit sana sa pagkakaroon ng KAPAYAPAAN ay magkaroon rin ng hustisya ang nawalan ng karapatang pantao dahil hanggang ngayon ay marami pa rin ang  nagluluksang pamilya na nawalan ng mahal sa buhay na siyang tunay na naging biktima ng karahasan na dulot ng armadong pakikibaka.

– Sarah M. Naval
Oriental Mindoro
[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *