CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang durugin ng Optical Media Board (OMB) ang mahigit 200,000 piraso ng pirated DVDs at CDs na nakompiska mula sa market vendors sa Cagayan de Oro City.
Ito ay makaraan ang simultaneous na pag-raid ng OMB kasama ang tropa ng PNP Regional Public Safety Batallion (RPSB-10) laban sa naglipana na mga kontrabandong ibinibenta sa bangketa ng Cogon Public Market sa siyudad.
Inihayag ni OMB at Chief Executive Officer Atty. Anselmo Adriano, ang kanilang nakompiska ay tinatayang nagkakahalaga ng P77 milyon.
Sinabi ni Adriano, pagkatapos nang pagdukomento ay agad nila itong sisirain upang hindi na mapakinabangan.