Thursday , December 26 2024

Pauline Cueto, kakanta ng theme song ng Radyo Nobela

NAKA-CHAT ko kahapon ang talented na recording artist na si Pauline Cueto at masaya niyang ibinalita na naging viral ang kanyang cover songs ni Michael Jackson. “Happy po ako, nag-viral po kasi ako sa Filipino Vines. First time din po ito nangyari na mag-viral po sa mas open pa na crowd. Eto po yung nag-cover ako ng I Just Can’t Stop Loving You and Heal the World by Michael Jackson and thankful po ako kasi po mas madami pa po akong na-inspire na tao through music,” masayang kuwento sa amin ni Pau (nickname ni Pauline).

Si Pau ay may talent talaga sa musika dahil bukod sa magaling kumanta, kabilang sa musical instrument na kaya niyang tugtugin ang guitar, drums, ukelele, keyboard, at flute. Sinabi rin niyang patuloy sa pagdami ang mga nag-iimbita sa kanya sa iba’t ibang events. Ayon sa 16 year old na dalagita, “Madami na po invites on events! Kaya I’m so happy and sana nga po magtuloy tuloy.

“Kabilang dito ang Automusica Carshow last Saturday sa Quezon City Circle, performance sa F1 Hotel sa October 15, iyong iba po private events for Halloween, then sa October 23 sa PMPC Star Awards for Music.”

Inusisa rin namin siya sa balitang kakantahin niya ang themesong ng Radyo Nobela sa Barangay LS. “Yes po. Have been offered na kantahin ko po yung theme song ng Radyo Nobela. Para po siyang MMK ni Ms. Charo Santos, pero sa radio. I think, next week po kami magre-recording.”

Ano ang na-feel mo nang in-offer sa iyo yung opportunity na kumanta ng theme song ng isang radio program? “Excited po and I loved the song. Ang title ng song is Nobela.”

All-out ang suporta ng pamilya niya kay Pau, katunayan ang father niyang si Engineer Andy Cueto ay ipinagpatayo pa siya ng sariling music studio. Ang mother naman niyang si Mrs. Mildred Cueto ay laging naka-alalay sa kanya.

Paano mo ide-describe ang suporta sa iyong career ng family mo, specially your parents? “Hands down po ako sa kanila. Sobrang thankful po ako na may very supportive akong parents. I promise to make them proud.”

Ano pa ang gusto mong mangyari sa career mo? “I trust in God’s will po. I can’t answer it right now. Pero I believe po na ang will po ni God sa akin ay makapag-share po ng music and to inspire other people po.”

Sa ngayon, bukod sa kanyang self-titled album na distributed ng MCA Music, kabilang sa blessings na natanggap ni Pau ang nominasyon sa PMPC Star Awards for Music sa kategoryang Best New Female Recording Artist of the Year.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *