HINDI na kataka-taka kung isa sa mga naunang sumaklolo kay Mark Anthony Fernandez nang madakip ito ng mga awtoridad sa Pampanga kamakailan ay si Senator Jinggoy Estrada.
Si Jinggoy ang nag-provide ng abogado para kay Mark who, at the time of arrest, ay walang legal counsel.
Bukod sa inaanak din ni Jinggoy, inihabilin pala ng matalik nitong kaibigang si Rudy Fernandez ang panganay nilang anak ni Alma Moreno noong nabubuhay pa. “Pare, ikaw na ang bahala kay Mark,” ang pakiusap daw ni Daboy kay Jinggoy, ayon sa aming source.
No wonder din kung bakit ganoon din ka-concerned si Lorna Tolentino sa anak ng nasirang asawa kahit pa bunga ito ng relasyong namagitan noon kina Daboy at Alma.
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III