Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua Garcia, pinuri ang galing sa seryeng The Greatest Love

MARAMI ang pumupuri sa galing na ipinapamalas lately ng young actor na si Joshua Garcia. Naging bahagi siya ng pelikulang Barcelona na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Siya rin ang gu-maganap na apo ni Sylvia Sanchez sa TV series na The Greatest Love.

Sa dalawang proyektong nabanggit, parehong positive ang feedback sa kanyang acting. Bukod sa pagiging guwapings, may ibubuga siya sa pag-arte. Katunayan, pati si Ms. Sylvia ay pinuri ang performance ni Joshua sa kanilang afternoon TV series sa Kapamilya Network. “Si Joshua, malayo ang mararating ng batang ito kapag sineryoso at minahal niya itong trabahong ‘to. Natural si Josh, may ibubuga at kumokonek sa akin bilang apo ko siya rito. Mommy La talaga ang tingin niya sa akin dito,” saad ni Ms. Sylvia.

Ano ang reaksiyon dito ni Joshua? “Masaya siyempre, kasi hindi lang ako yung naghirap doon, pati yung mga cast, nahirapan silang i-motivate ako para makuha ko yung character ko na Z. Masaya ako na natutuwa yung mga tao, kasi si Z naman doon, bagets lang e. Bata lang, normal na bata lang, kung anong nangyayari sa mga bata ngayon.”

Sa ngayon, tiyak na mas lalong aabangan ng viewers ang karakter ni Joshua sa The Greatest Love dahil mayroon na siyang love interest sa seryeng ito sa katauhan ng newcomer na si Kira Balinger.

Sa panayam kay Joshua, ipinahayag ng actor na nakasama na niya sa acting workshop si Kira. “Noong dati kasi, magka-workshop na kami pero hindi kami close. Tapos ngayon sa The Greatest Love, nahihiya ako, kasi siyempre magna-nineteen na ako tapos siya, sixteen years old lang, medyo na-awkward-an ako. Pero noong nagka-eksena kami, okay naman iyong bonding namin, nakapag-usap kami. Pero hindi kami ganoon ka-close pa. Siguro pag nagtagal pa yung teleserye, siguro magiging close pa kami.”

Sinabi rin niya ang mga dapat pang abangan sa kanilang TV series. “Unang-una siyempre abangan natin yung magkakasakit na si Gloria, makakalimot na siya. Marami pang mas malulupit na mangyayari na makakalimot siya.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …