Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sino kina Ipe at Binoe ang makatutulong kay Mark Anthony?

ANG ‘di pagpapatupad ng tinatawag na Miranda Law sa pagkakaaresto kay Mark Anthony Fernandez ng pulisya sa Pampanga kamakailan ang gagamiting depensa umano ng kampo ng aktor.

Standard Operating Procedure o SOP nga naman ang prosesong ito na nagbibigay ng karapatan sa isang arestadong indibidwal na manahimik at kumuha ng abogadong kakatawan sa kanya. Anuman kasi ang sabihin nito ay maaaring gamitin laban sa kanya.

Nadakip si Mark ng wala ang presensiya ng isang abogado.

Samantala, dalawang mahahalagang tao sa buhay ni Mark—identified with President Rody Duterte—ang nakasuporta sa kanya: sina Robin Padilla na kanyang kadugo at Phillip Salvador na matalik na kaibigan ng kanyang yumaong ama na si Rudy Fernandez.

Pahapyaw lang namang napag-usapan ang dalawang action star, sa kung sino kina Robin at Kuya Ipe ang mas makagagawa ng paraang mapawalang-sala si Mark.

Narito ang daloy ng usapan. “Si Robin pa ang mas may kakayahan. ‘Di ba, alam naman nating supporter siya ni Digong? Si Phillip? Naku, malabo! Eh, hindi naman siya nangampanya ni minsan noong nakaraang eleksiyon para kay Digong, ‘no! Oo nga’t tumatakbo rin siya noon bilang Vice Governor ng Bulacan, pero hindi siya naglaan kahit isang araw man lang sa kampanya ni Digong.”

Pero bakit minsang naisulat na ang tawag kay Kuya Ipe sa tuwing dinadalaw nito ang mga nakakulong na kaibigang sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla sa PNP Custodial Center (sa Camp Crame) ay “Mr. President”?

Hindi ba’t itinawag ‘yon kay Kuya Ipe dahil sa pagiging malapit nga niya kay Digong?

Diretsong tugon ng aming kausap, “Naku, ang press ang tumatawag sa kanya niyon!”

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …