Sunday , December 22 2024

Kumita ba ang SSS sa panahon ni De Quiros?

KALIWA’T KANANang ginagawang pakulo ngayon ng Social Security System (SSS) sa pamumuno ng pangulo nitong si Emilio De Quiros, para maengganyo ang taongbayan na magmiyembro sa ahensiya bukod sa maengganyong magbayad ang mga may utang sa SSS.

Siyempre sa patuloy na isinasagawang pakulo hindi lamang sa bansa kundi maging sa labas, hindi libre ang iba’t ibang ginagawang gimik na panliligaw sa mga kababayan natin kundi pera rin ang pag-uusapan dito.

Sa bawat pakulo, may katapat na gastusin ito, hindi lamang para sa advertising kundi maging ang mobilization tulad ng magastos na pasahe sa eroplanong papuntang abroad, mamahaling hotel, at mamahaling kainan.

Napakaimposible kasi kung sa ordinaryong inn, hotel o motel mag-check-in ang mga opisyal lalo ang matataas na opisyal ng SSS kapag nasa abroad sila para (daw) sa SSS caravan.

Well, sana totoong biyaheng para sa SSS – para kumita ang ahensiya, ang ginagawa ng mga opisyal sa labas at hindi isang junket. May isa kasing opisyal diyan na bawat biyahe niya sa labas ay isinasama pa niya ang kanyang sexy-tary kahit wala naman kinalaman sa gimik ng ahensiya. Bakit?

Siyempre naman para may tagatimpla ng kanyang kape at may mag-take down ng notes. Iyon nga ba ang dahilan?

Pero ano pa man, masasabing hindi barya ang inilalabas ng SSS sa iba’t ibang pakulo na ginawa o patuloy na ginagawa nila kundi malaking pondo ang pinag-uusapan dito mula sa koleksiyon sa bawat miyembro ng SSS.

Ang tanong, sa kabila ng malalaking gastusin lalo na ang pag-a-abroad, kumita ba ang SSS? Nakabawi ba ang SSS o patuloy na nalulugi?

Ang Bureau of  Internal  Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), Land Transportation Office (LTO) maging ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTRFB) ay masasabing kada taon ay naghahayag ng kita o pagkalugi sa taongbayan.

Nagpapalabas sila ng datos kung magkano ang kanilang kinita o pagkalugi taon-taon pero, bakit tila yata wala pa tayong nababalitaan sa SSS na paghahayag ng kanilang kita o pagkalugi taon-taon.

Kung minsan sinasabing kumita ang SSS at kung minsan ay lugi daw. Pero ba’t walang inilalabas na data kung magkano ang kinita o kung magkano ang nalugi sa SSS?

Kung lugi, paano nalugi ang SSS?  Sa sobrang expenses lalo na ang pagpunta-punta sa abroad ng ilang opisyal at matataas na opisyal ng ahensiya?

Sa gimik na ‘alkansiya’ malaki-laki rin ang ginastos para sa pagpapakilala  at pagpapatupad nito pero, nagbunga ba ang gimik na ito? Marami bang kumagat sa alkansiya lalo sa kanilang target na drivers? Nakatulong ba ito sa koleksiyon ng SSS? Nakabawi ba ang SSS sa expenses para sa alkansiya?

Kung nakabawi, magkano ang kinita/koleksiyon ng SSS? Nakabawi nga ba? Sana! Pero malalaman lamang ito ng taongbayan kung maglalabas ng kompletong talaan ang SSS hinggil sa mga pakulo nila. Iyon bang ilatag sa publiko kung magkano ang ginastos at kinita  sa promo na ito –  promo sa labas at sa loob ng bansa?

Pangulong Digong Duterte, batid ng marami ang dahilan kung bakit hindi inaprubahan ng nakaraang admin ang pension hike para sa pensioners ng ahensiya – lugi raw sa kasalukuyan ang SSS o baka ikalulugi raw ito ng ahensiya. Ganoon ba? Paano naman  nalugi ang SSS, sa sobrang expenses ba? Lalo ang promotion ng ahensiya sa abroad at sa sobrang taas ng suweldo ng top brass ng SSS maging ang mga consultant kuno?

Hindi ko naman sinasabing mahinang klaseng pangulo ng SSS ang bata ni dating Pangulong Noynoy Aquino (si Aquino po kasi ang nagtalaga kay Dequiros sa SSS) pero pag-upo niya bilang presidente ng ahensiya, kumita ba o nagawa ba niyang pataasin ang koleksiyon ng ahensya?

Sa kasalukuyan, kahit pinagbibitiw na ni Pangulong Digong ang mga itinalaga ni PNoy — si De Quiros ay kabilang sa itinalaga ni PNoy, pero hanggang ngayon siya nananatiling presidente ng SSS. Ibig bang sabihin nito, isang  magaling na pinuno ng SSS si De Quiros kaya hindi pa siya pinapalitan ni PDU30?

Ayos ha! Congrats sir De Quiros, ang galing ninyo sir!

Pero puwede bang isapubliko ang koleksiyon at gastusin ng SSS sa panahon ninyo upang ikompara sa mga nagdaang administrasyon ng SSS? Higit sa lahat para malaman din ng publiko kung kumita ang ahensiya?

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *