Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joenel Sanchez lover ni De Lima — Jaybee

IKINANTA ng kidnapping convict na si Jaybee Sebastian si Joenel Sanchez bilang isa sa mga  bodyguard ngunit lover ni Sen. Leila de Lima.

Sinabi ni Sebastian sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House committee on justice hinggil sa drug trade sa New Bilibid Prison, “sweetie” ang tawagan nina De Lima at Sanchez.

Si Sanchez ay dating closed-in at security aide ni De Lima noong siya ay kalihim pa lamang ng Department of Justice.

Ayon kay Sebastian, minsan na rin niyang nahuling nagho-holding hands ang senadora at si Sanchez. Minsan na rin aniyang na-wrong send sa kanya si Sanchez ng text message na nakalagay roon ang “term of endearment” ng dalawa.

Matatandaan, sa pag-dinig ng komite noong nakaraang linggo, idiniin ni Sanchez ang dating driver ng senadora na si Ronnie Dayan at ang MMDA rider na si Warren Cristobal bilang  boyfriend ng dating Secretary of Justice. Ngunit ayon kay Sebastian, hindi niya makompirma ang relasyon ni De Lima kina Dayan at Cristobal gayonman “affirmative” sa kanya ang relasyon nina Sanchez at ng senador.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …