GAMITIN ang “power of scents” sa inyong bahay bagama’t wala kayong planong ibenta ito.
Batid n’yo ba ang amoy ng inyong bahay? Magtanong sa kapitbahay at iyak na masosopresa kayo sa kanilang magiging sagot.
Sa feng shui, ang bango ay very powerfull, kaya ang iba’t ibang scents ay ginagamit sa iba’t ibang layunin. Kaya i-transform ang enerhiya sa banayad na paraan upang matamo ang hinahangad na resulta, dahil ang lahat ng bagay ay enerhiya.
Masyado bang makukulit ang mga bata? Magpatak ng chamomile o laveder essential oils sa oil diffuser at saksihan ang unti-unting pagkalma ng mga bata.
Kailangan bang matiling gising para sa proyekto? Kumuha ng rosemary, peppermint, eucalyptus o lemon grass essential oils para sa home office upang manatiling gising habang tinatapos ang trabaho sa gabi.
Nasa mood para sa love? Ang Ylang-ylang, sandalwood, rose at jasmine ay classical essential scents para sa sensual bedroom.
Maaari ring gumamit ng vanilla, neroli, lavender o mag-eksperimento ng iba pang pure scents na gigising ng inyong sensuwalidad.
ni Lady Choi