Monday , December 23 2024

DUI cases umabot sa 1,866 — PNP

UMABOT na sa 1,866 death under investigation (DUIs) o mga kaso nang pagpatay na kinasasangkutan ng hindi kilalang mga indibidwal, ang naitala ng PNP simula noong Hulyo 1, 2016.

Paglilinaw ni Chief Supt. Henry Libay, hepe ng secretariat ng Task Force Usig na siyang nakatutok sa imbestigasyon ng extrajudicial killings, 685 lang dito ang maituturing na drug related case na kasalukuyang iniimbestigahan.

Sinabi ni Libay, 50 sa mga kasong ito ang personal grudge, siyam ang roberry and theft habang 1,122 ang patuloy na inaalam ang motibo.

Habang itinanggi ng Task Force Usig na tumataas ang bilang ng murder at homicide case taliwas sa inaakala ng karamihan.

5 DRUG SUSPECTS
UTAS SA VIGILANTE

LIMANG hinihinalang drug personalities, kabilang ang magpinsan at magkapatid, ang namatay makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa magkakahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Ayon sa ulat, dakong 2:00 pm kamakalawa, sakay ng isang motorsiklo si Roderick Nulud, 44, at pinsan niyang si Raymond John Nulud, 19, kapwa ng Zapote Road, Brgy. 178, Camarin, nang harangin sila ng isang riding-in-tandem suspect sa Zapote Road at sila ay pinagbabaril.

Sa Bagong Silang, nakatayo ang tricycle driver na si Randy Balboa, 28, ng Phase 7N, Pkg. 5, Blk. 92, Excess Lot, Brgy. 176, 3:30 pm kamakalawa nang dumating ang apat armadong lalaki at siya ay pinagbabaril.

Habang namatay si Joel Ordoñez, 58, at kapatid niyang si Joan, 42, nang pasukin at pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa kanilang bahay sa 4521 San Vicente Ferrer St. Brgy. 178 Camarin dakong 1:00 am kahapon.

( ROMMEL SALES )

Supplier ng shabu sa drivers
MMDA EMPLOYEE
TIKLO SA BUY-BUST

ARESTADO sa buy-bust operation ang isang aktibong empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sinasabing nagsu-supply ng ilegal na droga sa mga driver ng pampasaherong van at jeep, kinompirma ng pulisya nitong Lunes.

Ang suspek na si Dexter Lucas, 43-anyos, ay 13 taon nang nagtatrabaho bilang MMDA motorcycle rider, ayon kay Quezon City Police District director, Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar.

Ikinasa aniya nitong Linggo ang operasyon laban kay Lucas makaraan makatanggap ng impormasyon ang QCPD na nagtutulak siya ng droga sa Monumento at Recto.

Dagdag ni Eleazar, dinampot ang suspek makaraan magbenta ng P500 halaga ng shabu sa nagpanggap na buyer.

Sa follow-up operation, naaresto rin ang sinasabing supplier ni Lucas ng ilegal na droga, na si Jose Cua, 66-anyos.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *