CHANGING lives for the best!
Dalawang buhay ang patuloy na pinagaganda at pinabubuti ng aktor na si Coco Martin sa pamamagitan ng FPJ’s Ang Probinsyano ng Dreamscape Television Entertainment. Sa dalawang kinagigiliwan ng mga manonood sa pag-alagwa nila sa telebisyon.
Sina Onyok (Simon Pineda) at Macmac (McNeal ‘Awra’ Briguera).
Sa munti nilang isipan, lalo na kay Onyok, naipaiintindi sa kanila ang mga value na pinalulutang sa palabas gabi-gabi na umabot na ng isang taon!
Ramdam na ni Onyok ang pagmamahal ng kanyang Kuya Coco dahil sila ni MacMac eh, kinilala na nito bilang tunay na Kapamilya. Kaya may mga blessing na tinatanggap si bagets na hindi niya malimutan gaya ng Starwars sword na umiilaw at marami pa. Tumuntong na sa ika-anim niyang taon ang nagbigay sa atin ng katagang Hay naku! Ayos!
Si MacMac naman, marami ang naka-relate sa karakter niyang bading na ang pamumukadkad sa palabas ay maayos at maingat na ibinahagi ng writer, mga director, at creative team sa pangunguna ni Coco. Maselang bagay ito kung tutuusin, lalo sa mata ng bata. Pero naitawid nila ito sa tamang timpla.
Kaya isa rin ito sa mga eksenang hindi makalimutan ni MacMac na talagang tinulungan daw siya ng Kuya Coco niya na maitawid. Nang umamin siya sa tunay na damdamin niya bilang isang babae! Natutuhan na agad nito from Coco na tila nagwo-workshop din sa mga bagets ang terminong ”Actor’s cue!”
Walang itulak-kabigin sa mga karakter na labas -masok sa palabas. Walang magsasabing nalaos ang mga ito. Nagbabalik sila dahil mahusay silang magsiganap!
Kaya hanggang Disyembre 2016, naiplano na ni Coco at ng DTE team ang mga eksenang magpapakapit pang lalo sa mga manonood sa pagdating pa ng mga nakaiintrigang mga tauhan.
Eto na ang isa sa mga may susi sa pagkawala ng isang karakter ni Bela Padilla (Carmen) na si Janus del Prado. Na sinabayan na rin ni Rez Cortez. Matitindi ang mga susunod pang eksena.
Na parang nangyayari lang ang lahat sa labas ng bintana mo. Kaya ‘wag ng makipag-agawan sa trono bilang Number One sa Primetime. Kay Coco na ito!
He is priceless sabi nga ni Manang Inday (Susan Roces).
HARDTALK – Pilar Mateo