Saturday , November 16 2024

Dennis Trillo klaro sa drug test (54 celebrites nasa drug list – PNP)

ISINAPUBLIKO ng talent manager ni Dennis Trillo ang resulta ng drug test ng aktor.

Ito ay sa harap ng alegasyon ng PNP na may celebrities na sangkot sa ilegal na droga.

Sa Instagram account ng talent manager ni Dennis na si Popoy Caritativo, ini-post niya ang kopya ng resulta ng drug test ng aktor.

Makikita rito na pumasa ang 35-anyos aktor sa test sa Tetrahydrocannabinol at Methamphetamine o shabu.

May caption ang post ng talent manager na “In our efforts to show support for the government’s campaign against illegal drugs, Luminary Talent Management has taken the initiative to have our talents tested.”

Bukod kay Trillo, una nang nagboluntaryong nagpa-drug test sina Solenn Heussaff, Patrick Garcia, Luis Manzano, Baron Giesler at Claudine Barretto at pawang negatibo ang resulta ng test.

54 CELEBRITES NASA DRUG LIST – PNP

IBINUNYAG ng National Capital Region Police Office (NCRPO), 54 celebrities ang kabilang sa kanilang updated drug list.

Ayon kay NCRPO director, Chief Superintendent Oscar Albayalde, ang mga naidagdag sa listahan ay base sa impormasyon na galing kina Sabrina M at Krista Miller na una nang naaresto ng Quezon City Police District Office dahil sa ilegal na droga.

Ngunit tumanggi si Albayalde na isapubliko ang pangalan ng celebrities dahil iba-validate pa nila ang listahan.

“These are all being subjected to validation,” paglilinaw ni Albayalde.

Sinabi ng NCRPO, karamihan sa celebrities na nasa drug list ay gumagamit ng shabu, cocaine at party drugs.

Nagbabala si Albayalde, posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasa listahan habang patuloy ang drug operation na isinasagawa ng mga awtoridad sa Metro Manila.

“Every time we make arrests, more names are being included because they were all telling us the persons they transact with,” ani Albayalde.

Dagdag ng NCRPO chief, hindi pa kasali sa listahan ang aktor na si Mark Anthony Fernandez na nahulihan ng halos isang kilong marijuana noong nakaraang linggo.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *