Monday , December 23 2024

100 days ni Digong, tagumpay para sa sambayanan—PDP Laban

SA kabila ng pambabatikos ng ilang katunggali sa politika ng kasalukuyang sistema ng administrasyon ni President Rodrigo Duterte, kinikilalang tagumpay naman ang unang 100 araw sa kanyang panunungkulan kaya nagsagawa ng motorcade kahapon ang militant at non-government organizations kahapon na sinimulan sa Quezon City Circle hanggang Las Piñas City.

Tumahak ang may 500 sasakyan at tinatayang nasa 5,000 kataong lumahok na pinangunahan ni PDP Laban National Capitol Region Policy Study Group head, PDP Laban NCR Membership Committee chairman at PDP San Juan City Council President Jose Antonio Goitia sa mga pangunahing kalye ng QC patungong Maynila na ibinandera ang mga tarpaulin na naglalahad ng mga naging achievement sa simula ng panunungkulan ni Duterte.

“The 100 days of our President is successful, maganda ang kanyang pamamaraan lalo ang mga polisiyang kanyang ipinaiiral na ang lahat ng sektor ng ating lipunan ay sumusuporta sa kampanyang pagbabago lalo sa larangan ng pagsugpo sa illegal drugs at kriminalidad; mas kampante ngayon ang mga mamamayan na maglakad sa mga kalye dahil halos naglaho na ang mga holdaper, snatcher at mandurukot sanhi ng paglupig sa illegal drugs,” pahayag ni Goitia bago simulan ang motorcade.

Idiniin ni Goitia na laging ang kapakanan ng mamamayan ang isinasaalang-alang ng administrasyong Duterte para maisakatuparan ang tunay na pagbabago na kailangang maramdaman ng mga pangkaraniwang mamamayan upang maipagkaloob ng gobyerno ang ayudang pangkabuhayan sa mahihirap nating sektor.

Kabilang sa nagsilahok sa motorcade ang Bongbong Marcos Movement, Duterte Run Movement, ALDUB, RAM, Luzon Watch, PDP LABAN San Juan City, Guardians at iba pa na nananalig sa pagsapit ng kalahatiang taon sa temino ni Duterte ay mararamdaman na ang ganap na pagbabago tungo sa pag-unlad ng sambayanan dahil sa mga konsepto at polisiyang ipaiiral ng kasalukuyang administrasyon.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *