DESMAYADO ang ilang grupo ng mga manggagawa tungkol sa hindi pagtugon ng Duterte administration hinggil sa pagtigil ng contractualization policy sa bansa.
Ayon kay Wennie Sancho, labor sector representative sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board Western Visayas at secretary-general ng General Alliance of Workers Association (GAWA), nabigo sila sa hindi pagtupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang pangako na itigil na ang labor contractualization policy o “endo.”
Aniya, umabot na sa first 100 days ang presidency ni Duterte, ngunit maraming manggagawang Filipino ang ‘nabibitin’ dahil walang security of tenure.
Idinagdag ni Sancho, hanggang ngayon, nananatiling walang pagkilos tungkol sa P125 across-the-board wage hike na naihain na sa 17th Congress para sa legislative approval.
HATAW News Team