INALIS na ang ipinatupad na suspensiyon ng China sa pag-aangkat ng mga produktong nagmumula sa Filipinas.
Ito ang inanunsiyo ni Agriculture Sec. Manny Piñol, makaraan silang makatanggap ng abiso mula sa mga opisyal ng naturang bansa.
Magugunitang nagpataw ng ban sa importasyon ng mga prutas ang China mula sa Filipinas dahil sa inihaing kaso ng ating bansa sa Arbitral Tribunal kaugnay nang agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Piñol, 10 malalaking kompanya ang inaasahang makikinabang sa development na ito.
Kabilang sa mga produktong muling pinayagan na mai-export ng Filipinas ang saging, pinya, dragon fruit at iba pa.