Monday , December 23 2024

Giit ng NCRPO: Quiapo chairman na napatay protektor ng drug trade (Pamilya: Hindi drug pusher si chairman)

100816-quiapo-drugs-arrest
PITO ang napatay kabilang ang isang barangay chairman na kinilalang si Faiz Macabato, at isang kagawad ng Islamic Center sa Quiapo, Maynila habang 200 katao ang naaresto na hinihinalang drug users at pushers. Pinapila ang mga suspek sa Palanca Bridge sa San Miguel, Maynila habang isinasagawa ang operasyon laban sa ilegal na droga ng pinagsanib na puwersa ng PDEA, Manila Police District (MPD) at SWAT PNP-NCRPO. ( BONG SON )

TODO-DEPENSA si NCRPO director, Chirg Supt. Oscar Albayalde sa pagkakapatay sa barangay chairman at anim pang iba sa drug raid sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa heneral, ang napatay na si Faiz Macabato, chairman ng Barangay 648, ay nagsisilbing protektor ng illegal drug trade sa lugar.

Aniya, malaking bagay ang isinagawang operasyon sa dahilang huling nangyari ang raid sa Islamic Center, may 30 taon na ang nakalipas.

At may hinala na ilan sa mga wanted ang nagtatago sa lugar.

Kabilang sa naaresto kamakalawa ay isang hinihinalang commander ng BIFF.

Muling nagpaalala si Albayalde sa mga barangay chairman sa Metro Manila na maaaring masuspinde at makasuhan kung hindi makikipagtulungan sa mga awtoridad.

Aniya, mahalaga ang papel na kanilang ginagampanan sa kampanya laban sa krimen lalo na sa droga.

Una nang nagsumite ng 11,900 pangalan o watchlist ang mga barangay chairman sa NCR ngunit tinawag lamang ito ng NCRPO bilang mga basura.

Makaraan ang background check ng inteligence community, umabot sa 41,000 katao ang iniugnay sa ilegal na droga kasama ang self-confessed drug suspects at drug surrenderees.

PAMILYA: HINDI DRUG PUSHER SI CHAIRMAN

MARIING itinanggi ng pamilya ng barangay chairman na napatay sa isinagawang drug raid ng mga pulis sa Islamic Center sa Quiapo, Manila na sangkot ang biktima sa illegal drugs.

Ayon kay Ainah, anak ni Faiz Macabato, barangay chairman ng Brgy. 648, hindi sangkot ang kanilang pamilya sa illegal na droga dahil kung totoo aniya ito ay matagal na sana silang mayaman.

“Wala silang ebidensiya.  ‘Di kami nagbebenta [ng droga]. Kung nagbebenta kami sana ang dami na naming ginto. Andami na naming pera,” aniya.

“Bigla po silang (pulis) umakyat dito. Anong kasalanan ng tatay ko? May pruweba ba sila? Di ba wala? Inosente ang tatay ko tapos gaganyanin nila,” umiiyak napahayag ng anak ni Macabato.

Si Macabato ay kabilang sa pito katao na napatay sa pagsalakay ng mga pulis sa Islamic Area sa Quiapo kamakalawa ng umaga.

( LEONARD BASILIO )

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *