NIYANIG ng 4.1 magnitude na lindol ang ilang bahagi ng Batangas at mga karatig na lugar.
Naitala ito dakong 3:32 pm kahapon.
Natukoy ang epicenter sa 21 km timog kanluran ng Calatagan, Batangas.
May lalim itong 103 km at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang intensity III sa Lubang Island,
Intensity II sa Puerto Galera, Oriental Mindoro at Calatagan, Batangas. Habang intensity I sa Tagaytay City.
Walang inaasahang pinsala at aftershocks kaugnay ng nasabing pagyanig.