PINAALALAHANAN ng embahada ng Filipinas sa Amerika ang mga Filipino sa apat na estado na nakatakdang hagupitin ng Hurricane Matthew.
Ayon sa Philippine embassy, dapat sumunod ang mga Filipino sa utos ng mga opisyal sa Florida, Georgia, North at South Carolina at lumikas.
Nasa 225,000 Filipino ang nakatira sa apat na estado na inaasahang tatamaan ng bagyo.
Sa estado ng Florida, nakatakdang mag-landfall ang Category 4 na bagyo, nasa 150,000 ang mga Filipino.