TINIYAK ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, kakayanin pa rin ng puwersa ng militar ng Filipinas kahit wala na ang foreign financial assistance mula sa Amerika at European Union (EU).
Ito ay makaraan patulan at hamunin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabanta ng US at EU na maaari nilang bawiin ang kanilang ibinibigay na tulong sa bansa.
Nag-ugat ito sa tumataas na bilang ng extrajuducial killings sa bansa na isinisisi sa kasalukuyang administrasyon.
Magugunitang iginiit ni Duterte na hindi siya magmamakaawa kung tutol sila sa kanyang pinaigting na giyera kontra sa pamamayagpag ng ilegal na droga.
Sinabi ni Lorenzana, kaya pa ring mag-survive ng Filipinas kahit wala ang ibinibigay na aid.