Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Husay ni Mark, nakapanghihinayang

TATLONG taga-showbiz. Tatlong iba’t ibang ipinagbabawal na droga.

Shabu ang nahuli kay Sabrina M sa aktong paggamit nito. Sa party drugs naman nadidiin si Krista Miller na nadakip din kamakailan. Sinundan ito ni Mark Anthony Fernandez caught with one kilo of marijuana.

Napansin lang namin (hindi sa pangmemenos sa kanilang “tinitira” alongside their social status) na ‘yung Mark Anthony ay ginagamit lang ng isang taong nag-uumpisa pa lang sa bisyo. Kung antas kasi ng pamumuhay ang pag-uusapan, the good actor should be way above tsongki (tawag din sa damo).

Kundi man cocaine ay party drugs na may kamahalan ang street value ang dapat sana’y nahuli kay Mark, hindi tsongki na kahit sa halagang P10 isang stick ay mayroon ka nang mabibili.

Mark’s recent arrest ay nagbukas lang muli ng katotohanang hindi pa rin pala siya nakalampas sa kanyang bisyo, ito’y makaraang ilang beses na rin siyang binigyan ng pagkakataon ng GMA via several regular shows.

Noon pa namin nahahalatang something was wrong with Mark sa tuwing haharap na siya sa TV playing the roles assigned to him. Bulol at hindi klaro kung ideliber niya ang kanyang mga linya.

Mahusay kung sa mahusay na aktor si Mark, may lalim lalo’t kung seryoso ang kanyang papel at eksenang ipinagagawa sa kanya. Pero sayang na husay. Balitang naghiwalay na rin sila ng kinakasamang si Melissa. At ewan kung aalukin pa siya ng GMA ng regular show considering na may panawagan na rin sa mga TV network na ipasailalim nila ang kanilang mga contract artist sa drug test.

Sa pagkakahuli kay Mark without bail recommended, we can just imagine his dad Rudy Fernandez turning in his grave.

Sayang.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …