DAVAO CITY – Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang telecommunication companies (telcos) sa bansa gaya ng Smart, PLDT, Globe at Sun Cellular, na ayusin ang serbisyo kung ayaw nilang makatikim sa kanya.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa National Banana Congress sa Davao City, sinabi ni Pangulong Duterte, nagtitiis lamang siya ngayon at nagpapasensiya sa mabagal na serbisyo ng telcos.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung magpadala siya ng text message ngayong gabi, matutulog muna siya dahil bukas na niya matatanggap ang tugon.
Kaya kung hindi aniya umayos ang telcos, kanyang iimbitahan ang Chinese companies sa kanyang pagbisita sa China sa Oktubre 18 hanggang 21, para magkaroon na sila ng kakompetensiya.