PLANO ng House committee on Justice na amyendahan ang ilang mga batas sa gitna ng imbestigayson hinggil sa paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP)
Sinabi ni Justice Committee chairman Reynaldo Umali, ang nakikita nilang kailangan “i-relax” na batas ang Anti-Wiretapping Law at ang Bank Secrecy Law ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Ngunit paglilinaw ni Umali, mahigpit lamang itong ipatutupad sa drug related concerns o kung ang sangkot ay isang convicted felon.
Paliwanag ng kongresista, ito ay dahil national concern ang giyera ng pamahalaan kontra ilegal na droga.
Iginiit din niyang kailangan nang i-review at tingnan muli ang mga batas na kailangan pang susugan upang gawing mas mahigpit ang modernisasyon ng Bureau of Corrections.