Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rosanna Roces

Rosanna Roces lover ng Bilibid drug boss (Buking ng gov’t asset)

IKINANTA ng isang self-styled government asset ang dating sexy star na si Rosanna Roces bilang mistress ng convicted drug kingpin.

Binanggit ito ni Nonile Arile kasabay nang pagkilala sa sinasabing masterminds at coddlers ng multi-million peso drug ring sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Si Arile, dating pulis at convicted sa kidnapping and murder, ay tumestigo sa House inquiry na si Roces ay may relasyon kay Vicente Sy, kabilang sa apat na high profile inmates na nasugatan sa insidente ng pananaksak sa NBP kamakailan.

Sinabi ni Arile, si Sy ay kabilang sa top 10 big fish na nagpapatakbo sa multi-million peso drug ring sa loob ng state prison.

“Kabit niya ang artista na si Rosanna Roces, alyas Osang. Protektor niya ang mga PDEA sa Quezon City,” pahayag ng testigo patungkol kay Sy.

Pero mariing itinanggi ng aktres na si Rossana Roces a.k.a. Osang ang paratang na kabit siya ni Vicente Sy.

Sa text message na  ipinadala niya sa entertainment editor ng pahayagang ito, sinabi niyang, “karne at hindi droga ang negosyo ko kay Enteng.”

(Basahin ang kaugnay na ulat sa link na ito: Karne hindi droga, negosyo ni Osang sa Bilibid).

Kabilang sa tinukoy ni Arile bilang drug kingpins sina Ben Marcelo, Sam Li Chua, Peter Co, Willy Yang, Robert Lee, Willy Ang, Jackson Lee, at alyas “Tom” at  “Tatay Angste.”

Idinagdag niyang ang kapwa preso na si Jaybee Sebastian ay “untouchable” dahil sa ibinibigay na suhol kina dating Justice Secretary at ngayon ay Senator Leila de Lima, at dating Justice Undersecretary Francis Baraan.

Aniya, nagsimula siyang magtrabaho bilang asset ni Senior Supt. Jerry Valeroso ng Criminal Investigation and Detection Group noong 2014.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …