Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karne hindi droga, negosyo ni Osang sa Bilibid

AGAD itinanggi ni Rosanna Roces sa pamamagitan ng kanyang Facebook Account (Jennifer Cruz Adriano) ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa isinasagawang imbestigasyon ng Kongreso tungkol sa drug trade sa National Bilibid Prison (NBP) kahapon.

Ang pagkadawit ni Osang ay base sa binasang manifestation ng sinasabing “government asset” na si Nonite Arile kahapon sa Kongreso.

Sa isang bahagi ng salaysay ni Arile, isang nagngangalang Vicente Sy ang umano’y sangkot sa drug trade sa NBP.

Si Sy ay isa sa high-profile Bilibid inmates na umano’y gumamit ng shabu bago nasangkot sa rambol noong September 28, 2016.

Ani Arile, “Kabit niya ang artista na si Rosanna Roces, alyas Osang. Protektor niya ang mga PDEA sa Quezon City.”

Sa kabilang banda, sa post ni Osang kahapon ng 5:05 p.m. sa kanyang FB account sinabi nitong hindi totoong mistres siya ni Sy.

Iginiit pa nitong karne o mga babae ang dinadala niya sa Bilibid na binabayaran siya ng halagang P25,000.  Si Sy raw ang contact niya sa Bilibid.

Kilala niya rin daw si Noel Martinez na dating mayor ng G.I. (Genuine Ilocano, grupo ng mga preso) dahil nag-concert sila roon kasama sina April Boy at Selina Sevilla.

Ikinuwento pa ni Osang na nakilala rin niya sa concert na ‘yun si Jaybee Sebastian.

Iginiit pa ng sexy actress na pagkatapos niyang makapagdala ng babaeng may sakit ay hindi na siya nakabalik pa sa nasabing lugar.

Narito ang buong pahayag ni Osang sa pamamagitan ng kanyang FB account.

“Paanong magiging mistress eh babae ang dinadala ko ke Enteng. Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin. Kahit na reject pa ang babaeng dalhin ko. Kung naging mistress ako di sana nabayaran ko ang 2m na talo ko sa kaso sa Gma. Di n asana ako nagpapakahirap magtrabaho ngayon. Baka producer na ako. Hindi droga ang business ko sa bilibid. Monterey…taga deliver ng karne. Iang tao lang ang kauap ko dun. yung sinasabi nilang si vicente sy. Madaling magtahi ng kwento pero mahirap magpatunay. Kilala ko din sina noel Martinez dating mayor ng g.i..dahil nag concert na din kmi sa loob. Kasama sina aprilboy at Selina sevilla. Dun ko na meet si jaybee Sebastian dahil na interview ako o nahingian ng mensahe sa kanyang Btv o bilibid tv. Other than that wala na akong naging dahilan para bumalik. Lalona nung ang nadala ko palang babae ay maysakit.”

ni MARICRIS VALDEZ-NICASIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …